PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

8 tiklo sa drug bust operation

NORTH COTABATO, Philippines – Walo-katao na isinasangkot sa drug trade ang nasakote ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10 sa inilatag na drug bust operation sa loob ng motel sa Propia Street sa Malaybalay City, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Geoff Augustus Silabay, nurse ng motel; Lorenzo Victor Aldeguer, anak ni dating Vice Mayor Victor Aldeguer; 2nd Lt Arthur Rey Aranggo ng 7th Infantry Division ng Philippine Army; Shinray Dumaguit, Maria Lourdes Velencia, Juliet Kane Cruspero, Roger Hernandez at si Alinor Elias, Marawi evacuee na sinasabing nagdadala ng shabu supply kay Silabay. Ayon kay PDEA agent spokesperson GM Gomez, nasamsam kay Silabay ang 5 plastic sachets na shabu (P135,000), mga drug paraphernalia, cellphones at isang sasakyan. Itinanggi naman ng mga suspek ang akusasyon ng PDEA Region 10 kaugnay sa drug trade.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: