PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 arestado sa P.5-M shabu

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong drug suspek ang naaresto ng pulisya makaraang makumpiskahan ng P.5 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 7, Asin Road, Irisan, Baguio City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni PDEA Cordillera Director Edgar Apalla ang mga suspek na sina Brian Leonille Dris, 30, gumagamit ng Alyas Tisoy/Junel at elementary school teacher; Aaron Paul “Nikko” Vergara, 26; at si Remedios Almazan, 23. Ayon sa pulisya, sina Vergara at Almazan ay sinasabing naaktuhan sa pot seesion sa apartment ni Dris. Nasamsam sa mga suspek ang 2 plastic sachets na shabu (105 gramo), plastic sachet na may pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia. Base sa tala ng pulisya,  si Vergara ay naka-piyansa sa kaso ring drug trade.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: