^

Probinsiya

Nanita sa inuman, kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na magsasaka na nanita sa inuman matapos itong pagtatagain ng kanyang kabaro na senglot sa Barangay Gabun, bayan ng Lasam, Cagayan noong Sabado. Kinilala ni P/Senior Insp. Leon Umbrero Jr., hepe ng Lasam police station ang napatay na si Eddie Garcia habang nasakote naman ng mga pulis ang suspek na si Arnulfo Postales ng Barangay Malinta.? Pinaniwalaang nag-ugat ang pagtatalo ng dalawa sa pagsita ng biktima sa bilis tumagay ng suspek sa kanilang inuman na nauwi sa hamunan. Ayon sa police report, tumakbo palayo ang biktima nang hugutin ng suspek ang matalim nitong gulok subalit naabutan pa rin siya sa maisan kung saan naganap ang malagim na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with