7 dakma sa anti-drug operation
BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing sangkot sa drug trade ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Siling Bata, bayan ng Pandi at Barangay Perez sa Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Richard “Chard” De leon, RJ Capiral, Christine Esteban ng Pabahay housing sa Brgy. Siling Bata; Junbe “Junbe” Baisa, Rommel Bautista, Jon-Jon Carmen, at si Marilyn Eustaquio ng Sto. Niño Village sa Brgy.Perez. Ayon kay PO3 Frederic Viesca, naaktuhan naman sa pot session sa bahay ni Baisa ang tatlong durugista. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Manuel De Vera, narekober sa mga suspek ang 11 plastic sachet na shabu (P30,000), mga drug paraphenalia at dalawang P500 marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest