PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Military detachment sinalakay

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang detachment ng militar na malapit sa Marawi City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng military, sinasabing ang detachment ng 55th Infantry Battalion ay nasa pangangalaga ng mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).

Wala namang iniulat na nasugatan o napatay sa pag-atake ng grupo ng kalalakihan na pinaniniwalaang sumusuporta sa teroristang Maute-ISIS  sa Lanao del Sur.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya laban sa grupo na umatake sa nasabing detachment.

Samantala, aabot naman sa 20 Maute reinforcement unit  na sinasabing sasaklolo sa Maute Group ang namataang tumatawid sa bayan ng Saguiaran noong Biyernes ng madaling araw. 

Hindi naman mabatid kung ang armadong grupo ay Maute-ISIS militant o MILF na dumaraan sa maisan patungo sa bayan ng Piagapo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, pa­tuloy na inaalam ang na­sabing ulat kung saan makikipag-ugnayan ang militar sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: