Ama itinumba sa birthday ng anak
NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang 32-anyos na ama na sinasabing naghahanda sa kaarawan ng kanyang anak matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang gunmen sa Sitio San Nicolas, Barangay San Vicente sa bayan ng Makilala, North Cotabato noong Sabado ng gabi.
Tatlong tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Nestor Villaflor Sinsel, self-employed at nakatira sa nasabing barangay.
Base sa police report, nagluluto ng pagkain para sa ikaanim na taong kaarawan ng kanyang anak sa loob ng pag-aaring tindahan nang bigla na lamang dumating ang gunmen saka pinutukan ang biktima.
Mabilis na tumakas ang gunmen sakay sa motorsiklo at kasunod na Hi-lux pick-up.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest