^

Probinsiya

Mag-utol na estudyante nalunod sa lawa

Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  – Maagang sinalubong ni Kamatayan ang magkapatid na estudyante makaraang lamunin ng tubig habang naliligo sa lawa ng Barangay Tabing Bakod sa bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Daniel Mendoza, 14; at Angelo Mendoza, 16, habang nakaligtas naman ang kanilang pinsan na si Jomel Enriquez na mga residente ng Sitio Luwasan, Brgy.Manggahan sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni PO3 Ceasar Miranda, nagkasundong maligo ang magpipinsan sa lawa habang bumubuhos ang malakas na ulan. Nabatid na magkakapit-kamay ang tatlo patungo sa lawa nang madulas si Daniel sa malalim na bahagi nito. Sinubukang iahon ng magpinsan si Daniel subalit magkakasabay na nahulog  kung saan kaagad namang naisalba ni Enriquez ang sarili patungo sa mababaw na bahagi. Nabatid naman mula sa iba pang kaanak na hindi marunong lumangoy ang magkapatid habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with