PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Drug bust: Tulak dedo, jailguard, tiklo

OLONGAPO CITY , Philippines  - Napatay ang itinuturing na high-value target na drug suspek habang kalaboso naman ang jailguard na sinasabing sangkot sa droga makaraang ilunsad ang drug bust operation sa  magkahiwalay na lugar sa Zambales kamakalawa. Si Virgo Dollueras, 33, ay napatay makaraang kumasa sa buy-bust operation ng pulisya sa Sitio Caliguit, Barangay Dirita sa bayan ng Iba dakong alas-4 ng hapon. Base sa record ng pulisya, si Dollueras ay may nakabinbing kasong murder, frustrated murder, attempted Homicide, at direct assault. Samantala, arestado naman ang 48-anyos na jailguard na si Marilord de Vera makaraang ikasa ang anti-drug operation sa Barangay Palanginan sa bayan ng Iba. Ayon kay P/Senior Supt. Christopher Mateo, Zambales provincial police director, hindi na nakapalag si De Vera matapos na arestuhin ng mga kabarong pulis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: