^

Probinsiya

2 Maute–ISIS reinforcers utas sa bakbakan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 Maute�ISIS reinforcers utas sa bakbakan

Sinabi ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Captain Jo-ann Pe­tinglay,  ang dalawa ay lulan ng bangka na naispatang naglalayag sa Lake Lanao noong Biyernes. File

MANILA, Philippines -  Napatay ang dalawang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) reinforcers na magdadala ng armas at bala sa mga kasamahang terorista sa loob ng war zone  makaraang makasagupa ang mga sundalo sa Lake Lanao, Marawi City kamakalawa.

Sinabi ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Captain Jo-ann Pe­tinglay,  ang dalawa ay lulan ng bangka na naispatang naglalayag sa Lake Lanao noong Biyernes.

Tinangkang sitahin ng mga sundalo ang dalawa nang bigla itong magpaputok na nauwi sa ilang minutong habulan at bakbakan sa lawa.

Tinamaan ng bala ng cal. 50 machine gun ang dalawa kaya nahulog ang isa sa mga ito na hindi pa nare­rekober ng security forces.

Narekober sa lugar ang bangkay ng isa sa dalawa, rifle grenades, 55 rounds ng cal. 7.62mm, dalawang rounds ng rocket propelled grenades (RPG), booster charger at mga floating devices.

Una nang nagdeploy ng tropa ang JTF Marawi sa Lake Lanao upang mapigilan ang pagtakas ng mga terorista at upang mapigilan ang reinforcement ng mga kalaban kabilang na ang pagtatangka ng mga dayuhang terorista na sumaklolo sa bakbakan.

Inihayag pa ni Petinglay na sa kasalukuyan ay malapit na sa grand mosque na pinagtataguan ng mga terorista kasama ang 40 pang hostages sa battle zone ang labanan.

Samantala, aabot na lamang sa 70-80 Maute –ISIS ang target ng tropa ng militar at patuloy ding binobomba ang posisyon ng mga kalaban.

Umabot na sa 1,200 naman ang nasamsam na eksplosibo habang nasa 400 gusali ang nalinis sa presensya ng mga terorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with