OIC ng bus line, binaril sa terminal
NORTH COTABATO , Philippines - Bumulagta ang isang officer-in-charge (OIC) ng Mindanao Star Bus makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang suspek habang nasa terminal sa Don Rufino Avenue, Cotabato City kahapon ng umaga. Kinilala ni PI Romel Canto, OIC ng Police Station 1 ang biktima na si Datu Musim Mamintal, ng Pikit, North Cotabato. Nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng umaga nang nasa labas ng bakod ng terminal ang gunman at barilin nito ang biktima na nasa loob ng terminal. Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.
- Latest