Taxi driver kinatay ng holdaper
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang taxi driver na hinoldap at kinatay sa basement ng ginagawang gusali sa Asin Road, Baguio City kahapon ng madaling araw. ?Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang biktima na si Angel Sarmiento, ng Pines Park, La Trinidad, Benguet.? Ayon sa report, nabulahaw ang mga residente sa patuloy na pagbusina ng abandonadong taxi ng biktima habang ilang mga suspek ang nakitang tumatakas mula sa gusali kung saan nadiskubre si Sarmiento na naliligo sa sariling dugo.? Wala nang nakitang pera mula sa sasakyan at sa biktima kung kaya’t sinusundan ng mga imbestigador ang anggulong hold-up robbery sa nangyaring krimen.
- Latest