^

Probinsiya

Truck vs tricycle: 3 patay, 2 malubha

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI ALBAY, Albay , Philippines  - Tatlo katao ang patay habang kritikal ang dalawa matapos na salpukin ng truck ang kasalubong na tricycle sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone 3, Brgy. Balangibang sa bayan ng Polangui, Albay noong Huwebes ng madaling araw.

Dead-on-the spot si Rod­rigo Amparado, 53-anyos, driver ng tricycle, ng Brgy. Sta. Cruz, Libon at mga pa­saherong sina Amelita Amparado, 52 at Madeline Pontellas, 32, pawang mga residente ng nasabing barangay. Sugatan naman sina Merna Tangilon at Robert Ongcan at kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4 ng madaling araw, binabaybay ng tricycle lulan ang mga biktima ang kahabaan ng highway nang bigla silang banggain ng kasalubong na truck (AC-09002) na minamaneho ni Brando Manalo, ng Oriental Mindoro.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng truck na minamaneho ni Manalo kaya nabulaga ito nang makita ang isa pang truck na nasiraan sa kanyang unahan dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa kasalubong na tricycle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with