^

Probinsiya

2 utas sa pamamaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  – Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa Sorsogon at Masbate kamakalawa. Unang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki ang biktimang si Chairman Oscar Jetomo ng Barangay Marinas sa Sorsogon City, Sorsogon. Ayon sa pulisya, nakatayo lamang sa harapan ng kanyang bahay ang biktima nang lapitan at barilin. Samantala, napatay din ang 40-anyos na miyembro ng Provincial Operation for Socio-Economic Development Against Crime na si Reynaldo Etcobañez matapos itong barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang lalaki  sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pio V. Corpuz sa Masbate kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola,  papasok na sana si Etcobañez sa bahay ng isang nagngangalang Remedios Arellano nang lapitan at barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki. Bago tumakas ay tinangay ng gunmen ang cellphone, baril atP17, 000 cash ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with