^

Probinsiya

Pulis arestado sa municipal nurse slay

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines  - Arestado ang bagitong pulis matapos iturong pumatay sa 28-anyos na municipal nurse sa bayan ng Agoncillo, Batangas kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Randy Peralta, Batangas provincial police director ang suspek na si P01 Justin Feliciano Colona ng 3rd Maneuver Platoon sa Quezon province.

Si Colona ay postibong itinuro ng mga testigo na bumaril at nakapatay kay Darrel Irvin De Claro ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Base sa police report, nagmomotorsiklo si De Claro patu­ngong basketball court sa Barangay Poblacion nang sundan ni Colona at pagbabarilin bandang alas- 5:45 ng hapon.

Mabilis na tumakas ang suspek subalit nasukol ng kanyang mga kabarong pulis sa isinagawang hot pursuit operation.

Love angle ang sinisilip na anggulo na isa sa motibo ng pamamaril dahil naging girlfriend na umano ni De Claro ang dating syota ni Colona.

Base sa mga text messages ni Colona kay De Claro, pinagbabantaan umano nito ang nurse dahil gusto ng pulis na makipagbalikan sa dating girlfriend.

Nakapiit ngayon si Colona sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Agoncillo at nakatakdang kasuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with