^

Probinsiya

4 biktima ng EJK, natagpuan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 biktima ng EJK, natagpuan

Apat-katao na sinasabing notoryus na drug peddlers ang  natagpuang patay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa bayan ng Silang at Imus City, Cavite, ayon sa ulat kahapon. File

CAVITE , Philippines  -  Apat-katao na sinasabing notoryus na drug peddlers ang  natagpuang patay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa bayan ng Silang at Imus City, Cavite, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, natagpuan ang dalawang nakagapos at naka-packing tape ang mga mukha sa bahagi ng Sitio Ibayong Ilog sa Barangay Kaong, bayan ng Silang.

Ayon sa ulat, naka-blue at red T-shirt ang dalawa, naka-denim pants, black shirt pants at kapwa naka-tsinelas.

Samantala, natagpuan naman ang dalawa pang bikitma ng summary execution sa bahagi ng Nia Road sa Barangay Malagasang 2-A  at 1-G sa Imus City bandang alas-12:30 ng madaling araw. 

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40, may taas na ­5’6”, naka-black T-shirt, itim na pantalon at may tattoo sa kaliwang kamay na demon at angel habang may mga tama ng bala ng baril sa ulo at mukha.

Pinaniniwalaang sinalvage sa ibang lugar ang mga biktima saka itinapon sa nasabing lugar upang iligaw ang mga imbestigador ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with