PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Indian national nailigtas, kidnappers patay sa Laguna

Patay ang tatlong hindi pa nakikilalang miyembro ng kidnap-for-ransom group matapos makaengkwentro ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna. STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines – Nailigtas sa kamay ng mga kidnapper ang isang Indian national matapos makaengkwentro ang mga pulis ng Biñan City, Laguna.

Nakatakda sanang makipagkita ang isang kamag-anak ni Anial Kumar Sohal sa mga kidnappers nang matiktikan ng mga elemento ng PNP Anti-Kidnapping Group ang gamit na kotse ng mga kawatan sa may bahagi ng Southwoods tollgate ng South Luzon Expressway.

Nagsimula ang engkwentro habang inaabot ang ransom money na nagkakahalaga ng P935,000.

Patay ang tatlong miyembro ng kidnap-for-ransom group habang ligtas naman si Sohal matapos ang rescue operation.

Dinukot si Sohal noong Agosto 13 sa may lalawigan ng Laguna. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: