3 drug suspek dedo sa shootout
Tuguegarao City, Cagayan , Philippines - Bumulagta ang tatlong drug suspek matapos itong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tupang, bayan ng Alcala, Cagayan noong Lunes ng gabi.? Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Warren Tolito, Cagayan provincial police director, nanlaban sina Hasim Cali ng Angeles City, Pampanga; Asnali Datu ng Quezon City; at isa pang hindi kikilalang lalaki nang matunugan ang anti-drug operation ng mga pulis dakong alas-10 ng gabi.? Narekober sa tatlo ang 2.5 gramo na shabu na may street value na P16,000, dalawang cal. 38 revolver na paltik, cal.45 pistol at mga identification cards.
- Latest