^

Probinsiya

Bunso pinagtataga ng kuya, dedo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

PIGCAWAYAN, North Cotabato  , Philippines - Pinaglalamayan ngayon ang 22-anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng nakatatandang kapatid na may matinding galit sa naganap na insidente sa Barangay New Panay sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Realan Mamon, hepe ng Pigcawayan Police Station, kinilala ang biktima na si Jerwin Cahilig habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Jonathan Cahilig Daet. Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hanggang sa kumuha ng matalim na itak ang suspek saka pinagtataga ang bunsong kapatid. Sinasabing may dating hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaslang. Sa ngayon ay rehas na bakal ang binagsakan ng suspek habang pinaglalamayan naman ang kanyang bunsong kapatid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with