^

Probinsiya

Lola, sikyu nag-suicide

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   – Dalawa-katao ang nagkusang magpasalubong kay kamatayan sa naganap na magkahiwalay na insidente ng suicide sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa at kahapon. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagbigti sa kanyang bahay sa Barangay Bendita sa bayan ng Magallanes ang 75-anyos na si Rosalina Catisag. Ayon sa pulisya, ang pagiging masakitin at hirap sa pananalapi ang nagtulak kay Catisag na mag-suicide. Samantala, nagbaril naman sa sarili ang 37-anyos na security guard na si Sherwin Carampot gamit ang shotgun sa parking area ng Premier Plaza sa Barangay Lucsuhin, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng umaga.Narekober sa biktima ang suicide note, P4,069 cash, cellphone, mga ID at ang shotgun. Hindi naman idinitalye ng pulisya ang nilalaman ng suicide note ng biktima na nakatira sa Barangay Santiago, General Trias City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with