^

Probinsiya

Magsasaka na sumawsaw sa Oplan Tokhang, napatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na magsasaka na sinasabing tulak na sumawsaw sa Oplan Tokhang noong 2016 matapos itong ratratin sa harap ng kanyang nagulantang na kabaro habang nagmamaneho ng jeepney sa Barangay Dagupan, ba­yan ng Tuao, Cagayan noong Lunes.?

Sa police report na ipinalabas ni P/Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan police, hila-hila ng jeepney ng biktimang si Julito Matalang Jr. ang rice harvester patungo sa sakahan nang hintuan at ratratin ng hindi kilalang lalaki na lulan ng Starex van na una niyang nakagitgitan sa kalsada.?

Ayon sa ulat, sugatang tumalon at nakatakbo si Matalang subalit hinabol at tinapos ng gunman sa kabila ng kanyang pagmamakaawa.?

Ayon pa kay Iringan, nagsitakbuhan naman ang tatlong kasamahang magsasaka ng biktima sa takot na madamay sa ngitngit ng gunman.

Sinikap itakbo ng mga sumaklolo si Matalang sa ospital subalit idineklara itong patay.

Noong nakaraang linggo, isa ring na-tokhang sa Santiago City, Isabela ang niratrat at napatay ng hindi kilalang lalaki na bumaba mula sa van na unang nakagitgitan ng kanyang traysikel sa kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with