PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Chikboy’ nagbigti sa kahihiyan

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang matinding kahihiyan ang isa sa motibo kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na lalaki matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Sta. Lucia, bayan ng Dolores, Quezon, kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Senior Insp.Dianne Bernardo, chief of police sa nasabing bayan, dakong alas-9:30 ng gabi nang nadiskubre ang nakabitin sa kisame ng bahay ang biktimang si Teddy Lucero, factory worker at residente ng nasabing barangay. Huling namataang buhay ang biktima na nakipag away sa kanyang ka-live-in na natuklasang may ibang karelasyong babae. Gayunman, kinalasan ng ka-live-in ang biktima dahil sa pagiging chikboy nito. Dahil sa sinasabing kahihiyang sinapit sa ilang kapitbahay at kamag-anak ay kusang nagpasalubong ito kay kamatayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: