PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis hinalay, pinatay sa ilog

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 18-anyos na misis matapos itong halayin ay sinaksak sa leeg at mukha ng hindi kilalang lalaki sa tabi ng ilog sa Sitio Pajo, Barangay Bangon sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng hapon. Walang damit pang-itaas at nakababa ang panty hanggang tuhod nang matagpuan ng mga residente at mga kaanak ang biktimang si Maryrose Dela Cruz. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, ayon sa ilang kaanak, bumisita ang biktima sa kanyang mga magulang sa Barangay San Vicente hanggang sa nagpaalam na uuwi na dakong ala-una y medya ng hapon. Gayunman, hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa matagpuan ang bangkay nito bandang alas-4 ng hapon. Pinaniniwalaang inabangan ang biktima saka hinatak sa tabi ng ilog kung saan siya pinagsamantalahan at pinagsasaksak ng hindi kilalang lalaki.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: