PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3-anyos pisak sa LPG tank

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pisak ang ulo ng 3-anyos na nene habang kritikal naman ang kanyang ama matapos bagsakan ng tangke ng liquified petroleum gas (LPG) ng kanyang tiyuhin sa Barangay Vira, bayan ng Roxas, Isabela noong Sabado. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Clamsy Samson habang inoobserbahan sa pribadong ospital ang ama nitong si Rudy Samson, 38. Lumalabas sa imbestigasyon na nakahiga sa kanilang kuwarto ang mag-ama nang pasukin ng suspek at ibinagsak sa kanilang ulo ang tangke ng LPG saka tumakas. Ayon sa mga kaanak, unang nagkaroon ng hidwaan ang magkapatid nang tumangging magbayad ng kanyang inutang ang biktima sa suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: