PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

High school stude ni-rape slay ng adik

Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na dalagita matapos itong halayin ay binagsakan pa sa mukha ng pugon ng hindi kilalang lalaki na sinasabing durugista sa abandonadong bahay sa Barangay Salvacion, bayan ng Libon, Albay noong Sabado ng hapon. File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 17-anyos na dalagita matapos itong halayin ay binagsakan pa sa mukha ng pugon ng hindi kilalang lalaki na sinasabing durugista sa abandonadong bahay sa Barangay Salvacion, bayan ng Libon, Albay noong Sabado ng hapon.

Halos madurog ang mukha ng biktimang si Jelly An Rogando, estudyante ng San Pascual National High School at nakatira sa Purok 2 sa nasabing barangay.

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay police provincial office, dakong alas-5 ng hapon habang naglalaro ang 6-anyos na bata nang matagpuan nito ang duguang katawang hubu’t hubad ng biktima na nakaha­n­dusay sa abandonadong bahay na pag-aari ng nag­ngangalang Rizza Pacheco.

Kaagad na ipinaalam ng bata sa mga kaanak ng biktima ang natuklasan kaya kaagad na sumugod sa nasabing lugar ang tatay na si Gilbert Rogando kasama ang barangay chairman.

Ayon kay Gomez, basag ang ulo ng biktima na pinaniniwalaang binagsakan ng konkretong pugon.

Narekober sa crime scene ang dalawang cellphone, damit ng biktima at ang konkretong pugon na inihambalos sa ulo nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa inisyal na imbestigasyon, malaki ang posibilidad na kakilala ng biktima ang suspek kaya pinatahimik ito habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: