PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 NPA rebs arestado

MANILA, Philippines -  Nasakote ang tatlong rebeldeng New People’s  Army (NPA) makaraang makumpiskahan ng mga armas, eksplosibo at mga bala ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa naganap na bakbakan sa Sitio Maubog, Barangay Alacalian, bayan ng Taytay, Palawan kamakalawa. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang bakbakan dakong alas-10:20 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang 1st Maneuver Company ng Regional Public Safety Battalion sa pamumuno nina P/Insp. Michael Rivera at 1st Lt. Mark Anthony Jordan ng Philippine Marines nang matunton ang kuta ng mga rebelde. Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatang kadre bago nasakote ang tatlong rebelde habang papatakas. Narekober naman sa clearing operations ang dalawang landmine, M16 rifle na may 10 magazine, portable generator set, mga bala, 6 cellular phone, laptop, 22 name cloth na may marking NPA, 30 name cloth na may Bienvenido Vallever Command, bandila ng komunista, mga subersibong dokumento at aklat ng kilusan gayundin ang iba pang mga eksplosibo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: