PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jailguard kritikal sa pamamaril

MANILA, Philippines -  Nasa kritikal na kala­gayan ang 47-anyos na jailguard matapos itong pagbabarilin ng apat na   lalaki sa harapan ng Barangay Hall sa bayan ng Pagsanjan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Cecilio Ison Jr. na naisumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jonathan Buenviaje, jailguard sa bayan ng Pagsanjan.

Tinukoy naman ng testigong trader na si Jerry Basco, 60, ang mga suspek na sina Gerald “Kalbo” Ortiz, Joseph “Buknoy” Ortiz, at  si  Leomar Ortiz.

Ayon sa imbestigasyon, sumiklab ang kaguluhan sa nasabing lugar kung saan nagpaputok ng baril ang biktima bilang war­ning shot para maawat si Gerald na umuno’y nanggugulo.

Dahil dito ay nagtatakbo si Gerald pauwi su­balit nang bumalik ito ay kasama ang dalawang suspek saka pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa balikat at leeg.

isinugod sa Laguna Provincial Hospital kung saan patuloy na isinasalba ang buhay nito sa tinamong tama ng bala sa balikat at leeg.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 38 revolver.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: