PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mister inutas sa inuman

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Napatay ang 49-anyos na mister matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan sa Laoag City, Ilocos Norte noong Byernes ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police ang napatay na si Rodrigo Balaqui na napuruhan sa ulo sa harap ng kanyang mga kainumang natalsikan pa ng dugo.
 Samantala, naaresto naman ang mga suspek makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang motorsiklo sa Barangay Guerrero sa nasabing bayan. Naisugod naman sa Dingras District Hospital ang mga suspek na sina Eric Balicoco, 22; at Michael De Jesus, 31, mga nakatira sa bayan ng Sarrat. Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek matapos silang kilalanin ng mga kainuman ng biktima. Gayunman, wala naman narekober na baril sa mga suspek ang awtoridad sinisilip naman ang anggulong may kaugnayan sa onsehan ng droga o personal na alitan ang pamamaril.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: