PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Drug suspek dinedo sa trike

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Napatay ang 37-anyos na drug suspek na sinasabing nakapiyansa matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki habang nagmamaneho ng traysikel kasama ang sariling misis sa Barangay Mabini, Santiago City, Isabela noong Biyernes. 
Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Percival Rumbaoa, provincial police director, kinilala ang napatay na si William Michael Fabian ng Brgy. Batal at unang nasakote sa drug trake sa Santiago City, Isabela noong Enero 2016. 
Lumalabas sa imbestigasyon na nakagitgitan pa sa trapik ng biktima ang gunman na nagmamaneho ng Nissan Escapade SUV. Gayunman, bumaba ang driver ng SUV saka niratrat sa ulo at katawan ang biktima saka tumakas. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal.45 pistol. Ayon pa kay Rumbaoa, nasa drugs watchlist nila si Fabian na tumangging makisawsaw sa Oplan Tokhang noong 2016.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: