PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

24 high school studes, sinapian

TULUNAN, North Cotabato , Philippines  – Umaabot sa 24  mag-aaral ng Sibsib National High School sa Barangay Sibsiib, Tulunan, North Cotabato ang pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Edith Gallegos, punong guro ng nasabing paaralan, unang sinaniban ng masamang espiritu ang 15 estudyante mula sa Star class section ng Grade 9 noong Huwebes ng umaga.

Nanlilisik ang mga mata ng mga estudyante at ma­lalakas ang mga ito na ka­ramihan ay babae kaya  pinauwi ni Gallegos ang mga mag-aaral.

Nasundan ang pangya­yari kung saan isa-isang sina­niban ng masasamang espiritu ang siyam na mag-aaral mula sa iba’t-ibang sections.

Sinuspinde naman ng punong guro ang pasok sa nasabing paaralan dahil sa kasagsagan ito ng kanilang 1st quarter exam.

Bago ang pangyayari ay may sinunog na mga makakapal na basura ang mga estudyante sa likurang bahagi ng kanilang paaralan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa punong guro, unang pagkakataon ito na may nangyaring insidente ng pagsapi sa kanilang mga estudyante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: