PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Magnitude 6.3 na lindol tumama sa Batangas

MANILA, Philippines -- Isang magnitude 6.3 na lindol ang tumama sa lalawigan ng Batangas ngayong Biyernes ng hapon.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 16 kilometro kanluran sa bayan ng Nasugbu ganap na 1:28 ng hapon.

May lalim na 160 kilometers ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman naman ang iba't ibang intensity sa mga sumusunod na lugar:

  • INTENSITY IV: Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila City; Sablayan, Occidental Mindoro
  • INTENSITY III: Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; ,Cainta, Rizal; Calamba, Laguna.
  • INTENSITY II: Magalang, Pampanga; Tanauan City, Batangas.
  • INTENSITY I: Intensity I - Talisay, Batangas.

Nagbabala naman ang Phivolcs sa aftershocks na maaaring maranasan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: