PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Cebu city hall binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang trabaho sa Cebu city hall matapos makatanggap ng bomb threats ngayon Huwebes ng umaga.

Ilang mga opisyal ng lungod at kanilang tauhan ang nakatanggap ng mga text message na may sasabog na bomba sa city hall, La Nueva Supermart at Basilica Minore Del Santo Niño ganap na 11:30 ng umaga.

Kaagad namang pinalikas ang mga tao sa city hall at rumesponde ang Special Weapons and Tactics team ng Philippine National Police.

Wala namang nakitang bomba sa lugar.

Inamin ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na mahihirapan silang matukoy kung sino ang nagpadala ng mensahe dahil prepaid account ang gamit na sim card.

Ipinagtataka naman ni Tumulak kung paano nagkaroo ang nasa likod ng pananakot ng mga numero ng mga tauhan ng city hall.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: