PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Armored van na ginamit ng Maute nabawi

MANILA, Philippines – Nabawi ng militar ang armored van ng isang security agency na ginamit ng Maute terror group sa panggugulo sa Marawi City.

Sinabi ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command Capt. Jo-Ann Petinglay na sa pagkakabawi ng armored van ay maliit na lamang ang nasasakupang lugar ng armadong grupo.

Gamit umano ng pinuno ng grupong si Abdullah Maute ang armored van.

“During the first month of fighting, a picture was posted on the internet showing Abdullah Maute riding the vehicle in one of the streets of Marawi with an ISIS flag in front of the vehicle,” sabi ni Petinglay.

Nakita ang van sa isang storage area na ginawang pansamantalang kuta ng grupo. Bukod dito ay natuklasan din nila ang isang tunnel na ginawang imbakan ng pagkain, bala at mga armas.

Sa tantsa ng gobyerno ay nasa 50 hanggang 70 na lamang ang miyembro ng armadong grupo sa lungsod.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tatlong buwan nang nakikipagbakbakan ang tropa ng gobyerno mula nang sumiklab ang kaguluhan nitong Mayo.

Dahil dito ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Mindanao sa martial law.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: