^

Probinsiya

Trader dedo sa holdaper

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Napatay ang 51-anyos na trader matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa naganap na holdap sa Barangay Poblacion, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa batok ang biktimang si Eric Nuestro, may-ari ng ERV Pawnshop sa bayan ng Abucay, Bataan habang ang kanyang misis naman ay nahimalay makaraang paluin sa ulo. Base sa police report, pauwi ang mag-asawang negosyante mula sa pag-aaring pawnshop nang harangin at holdapin ng hindi kilalang lalaking naka-bonnet. Gayunman, pumalag ang biktima kaya pinutukan sa batok habang ang misis nito ay pinalo sa ulo. Tinangay ng holdaper ang bag ng biktima saka tumakas patungo sa naghihintay na motorsiklo. Kasalukuyang nirerebisa ng pulisya ang footage ng CCTV camera sa nasabing lugar para makilala ang gunman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with