^

Probinsiya

7 tiklo matapos magkunwaring sundalo, pulis sa Marawi

Pilipino Star Ngayon
7 tiklo matapos magkunwaring sundalo, pulis sa Marawi

MANILA, Philippines — Napigilan ng mga awtoridad ngayong Huwebes ang pagpasok ng limang lalaki at dalawang babae sa magulong lungsod ng Marawi.

Nakilala ang pito na nagsuot pa ng Army at police uniforms na sina Ariel Cabanes Bijaan, Pacito Sabuclalao Villanueva, Juniper Adlawan Alestre, Bienvenido Malasa Sepe, Florante Ramos Alejandrino, Rufina Gomez Gayatao at Elsie Timola Lantong.

Nakakulong ang mga suspek sa Marawi City police station habang isinasailalim sa interrogation.

Sinabi ni Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, police director for the Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasakote ang pito sa isang checkpoint sa Iligan-Marawi Highway sakay ng puting Toyota Fortuner.

Natagpuan din ng mga awtoridad sa loob ng sasakyan ang mga extra na Army at police uniforms.

“They have different kinds of identification cards too,” pahayag ni Sindac.

Nitong Linggo lamang ay nasakote naman sa Saguiaran, Lanao del Sur ang isang miyembro ng Maute terror group na si Lala Arafat.

Higit dalawang buwan na nakikipagbakbakan ang pwersa ng gobyerno sa Maute group. Dahil sa pag-atake ay nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with