^

Probinsiya

Ex-mayor tiklo sa armas, droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang dating alkalde na kasalukuyang councilor matapos itong makumpiskahan ng droga at mga armas sa isinagawang operasyon sa bayan ng Medellin, Cebu kahapon ng umaga. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Councilor Ricky Ramirez na sinasabing high-value target ng mga awtoridad. Sa inisyal na ulat ng Cebu Police na naisumite sa Camp Crame, bandang alas-6:30 ng umaga nang masakote ang suspek sa inilatag na raid sa bahay nito sa nasabing ugar. Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jacinto Fajardo ng Talisay City Regional Trial Court Branch 66. Hindi na nakapalag ang suspek matapos itong mapalibutan ng arresting team ng pulisya. Nasamsam sa bahay ng suspek ang cal. 45 pistol, cal. 9mm pistol, cal. 22 rifle, droga at mga  drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with