Trike vs jeepney: 8 sugatan
CAVITE , Philippines - Walo-katao ang nasugatan makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa intersection ng Barangay Fatima 3 sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina Limo Sable, Loida Sable, Jessa Sable, Lymdon Sable, Jesica Sable, Leslie Roa, Elena Valdez, ang driver ng trike na si Leonardo Gagno Jr., mga nakatira sa Barangay Sampaloc 4 sa nasabing lungsod. Nakatakda namang kasuhan ang driver ng jeepney na si Arsenio Dela Torre ng Block 29 Lot 13 sa Barangay Sta. Maria, Dasmariñas City, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nagtuluy-tuloy ang traysikel sa intersection kahit naka-stoplight kaya nasalpok ang paparating na jeepney (DWZ 145).
- Latest