^

Probinsiya

Tangkang panununog sa power plant project, nasilat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga sundalo ang planong panununog ng mga rebeldeng New People’s Army sa power plant project sa Sitio Bateria, Barangay San Rafael sa bayan ng Luisiana sa Laguna kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Captain Melchor Durante, spokesman ng Army’s 2nd Infantry Division, rumesponde ang tropa ni Col. Arnulfo Marcelo Burgos, commander ng Army’s 202nd Infantry Brigade makaraang makatanggap ng impormasyon sa presensya ng mga armadong rebelde na umaaligid sa power plant project.

Akmang susunugin na ng mga rebelde ang nasabing proyekto nang magpanakbuhan ang mga ito matapos mamataan ang presensya ng tropa ng mga sundalo.

Ang hydropower plant project ay para sa komunidad na target isabotahe ng mga rebelde matapos na mabigong makapangotong sa pangasiwaan nito at mga opisyal sa nasabing lugar.

Nagkaroon naman ng maikling bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig bago mabilis na nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan sa kanilang panig.

Wala namang naitalang nasugatan sa panig ng militar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with