Tulak todas sa buy-bust
BULACAN, Philippines – Napatay ang 45-anyos na drug suspek makaraang manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan noong Lunes ng gabi. Nagtamo na ilang tama ng bala sa katawan si Elpidio “Torboy” Ignacio ng Graceville Subdivision at nasa drug watchlist ng barangay. Base sa ulat ni P/Senior Insp. Edgardo Tongol na naisumite sa Camp Alejo Santos, ikinasa ang buy-bust operation laban kay Ignacio subalit nanlaban ito kaya napatay. Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si PO2 Romar Castillo ng Marilao Police na tinamaan ng bala ang suot nitong bullet proof vest. Narekober sa encounter site ang paltik na cal. 9mm pistol, mga bala, 11 plastic sachet na shabu at ang P500 marked money.
- Latest