^

Probinsiya

College stude dinedo sa masamang tingin

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 18-anyos na college student matapos itong pagsasaksakin ng 16-anyos na lalaki dahil sa masamang titig noong Lunes ng gabi sa town plaza sa Barangay Dalumangcob, bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ni PO2 Mujeeb Sebi ang biktima na si Yasser Baraguir ng nasabing lugar at estudyante ng AMA Computer Learning Center sa Cotabato City.

Itinago naman sa panga­lang Faisal ang suspek na sinasabing isa sa mga bakwit sa nasabing barangay dahil sa armed conflict sa bayan ng Talayan, Maguindanao.

Ayon sa pulisya, Nagkaroon ng alitan ang suspek at biktima dahil lang sa masamang tinginan kaya nang magkitang muli ay humantong na sa suntukan na nauwi sa pananaksak at pagkamatay ng biktima.

Idineklarang patay sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima habang nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang suspek na nakatakda namang i-turn over sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with