Motor swak sa bangin: 1 utas, 2 sugatan
CAVITE , Philippines - Patay ang 23-anyos na lalaki habang dalawa naman ang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang motorsiklo sa malalim na bangin sa Governor’s Drive, Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ang namatay na biktima na si James Magalso ng Parklane Subd. sa nasabing lungsod habang sugatan naman sina Joseph Roldan, 30, ng Blk 10 Lot 38, Ville De Palme, Brgy. Santiago, Gen Trias, Cavite; at Jun “Boy” Comaling, 25, mga security guard, at nakatira sa bayan ng Silang, Cavite. Base sa police report na nakrating sa Camp Pantaleon Garcia, nawalan ng kontrol ang motorsiklo ng mga biktima kaya sumemplang pagsapit sa kurbadang highway saka nahulog sa bangin bandang alas-3 ng madaling araw.
- Latest