^

Probinsiya

Bus bumaliktad: 20 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Dalawampu katao ang nasugatan matapos bumaliktad ang pampasaherong bus sa kasadsaran ng ulan sa kahabaan ng highway sa Barangay San Juan, Ilagan City, Isabela noong Linggo. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, tumakas ang drayber ng bus na si Ariel Canceran na tubong Sta. Maria, Isabela matapos sumalpok ang bumaliktad na sasakyan sa konkretong bakod.? Isinugod sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga pasahero na karamihan ay nagtamo ng bali at bukol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. ?Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang drayber habang binabagtas ang madulas na highway dulot ng pag-ulan kaya ito bumaliktad at sumalpok pa sa bakod.? Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang tumakas na drayber.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with