^

Probinsiya

Bus vs van: 6 patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines – Anim-katao ang namatay makaraang magsalpukan ang pampasaherong van at bus sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Aguso,Tarlac City, Tarlac noong Linggo ng madaling araw.

?Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nang-agaw ng linya ang rumaragasang van na minamaneho ni Jemor Bueno, 58, ng Tubao, La Union bago tinumbok ang kasalubong na Santras Bus na minamaneho naman ni Pepito Dela Luna, 55, ng San Rafael, Bulacan.

Idineklarang patay sa ospital ang driver ng van na si Bueno at mga pasahero nitong sina Teresita Basadre, asawang si Silvestre Basadre, anak na si Gerald Rei Basadre, Lolita Marzan, at si Andrea Duran, mga nakatira sa bayan ng Tubao, La Union.?

Nabatid na paakyat ng La Union ang van habang patungo sa direksyon ng Maynila ang pampasaherong bus nang makasalubong si kamatayan.?

Isinailalim naman sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng bus matapos ang sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with