^

Probinsiya

13-anyos suspek sa rape slay ng 5-anyos, arestado

Pilipino Star Ngayon
13-anyos suspek sa rape slay ng 5-anyos, arestado

Inilabas sa sako ang bangkay ng 5-anyos na nene. Ramon Lazaro
 

MANILA, Philippines -  Nalutas na ng mga awtoridad ang karumal-dumal na pagpatay sa 5-anyos na nene na isinako, pinasakan ng kahoy sa puwet saka itinapon ang bangkay makaraang masakote ang 13-anyos na binatilyo sa San Jose del Monte City, Bulacan, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose del Monte City Police, ang 13-anyos na suspek na itinago sa pangalang Junjun, Grade 8 pupil ay nasakote sa follow-up operations kamakalawa matapos itong makilala sa CCTV camera footage na may bitbit na sako habang naglalakad.

Ang bangkay ng biktima na kalaro ng suspek ay itinapon malapit sa bakanteng lote sa Verde Heights Subdivision bandang alas-7:30 ng gabi noong Sabado.

Hindi naman tinukoy ng opisyal ang pangalan ng biktima sa pakiusap na rin ng pamilya nito.

Nadiskubre naman na may nakapulupot pang kable ng kuryente sa leeg ng biktima matapos na bigtihin, pinasakan ng kahoy ang puwet saka isinako ang bangkay nito.

Ang biktima ay sinasabing nagtutungo lamang sa Verde Heights Subdivision tuwing Sabado at Linggo para makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na inabangan ng suspek ang biktima saka isinagawa ang krimen.

Nakilala ang suspek makaraang rebisahin ng pulisya ang CCTV camera footage na huling kasama ng biktima bago ang malagim na pamamaslang.

Sinabi ng opisyal na inamin ng suspek ang krimen at sinabing binu-bully umano siya ng biktima kaya niya ito pinaslang.

Nakatakda namang iturnover sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang batang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with