14 arestado sa pot session
BULACAN, Philippines – Umaabot sa 14-katao ang naaresto makaraang maaktuhan sa pot session sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Santy Buque, Saudi Buque, Dario Gallardo, Frederick Nocete, Andrew Quiteres, Jane Catañeda, Raymond Misula, Ronnielyn De Mesa, Edwin Canlas, JR Sumido, Rolando Tiocson, Roberto Somino, Daisy Agustin, at si Jaime Canlas, mga residente ng Towerville sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang dalawang suspek na sina Michelle Saragoza at Mercy Gordo. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Fitz Macariola, nasamsam sa mga suspek ang 21 plastic na shabu at mga drug paraphernalia.
- Latest