Kontratista itinumba ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang negosyanteng building contractor matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Bagay, Tuguegarao City, Cagayan noong Sabado ng hapon. ?Sa police report na nakarating kay P/Supt. Edward Guzman, hepe ng PNP Tuguegarao City Police Station, kinilala ang napatay na si Efren Calimag ng Barangay Andarayan North sa bayan ng Solana. ?Sa panig naman ni P/Senior Insp. Renz Marion Baloran, wala sa drug watchlist si Calimag at posibleng may koneksiyon sa trabaho ang naganap na krimen. ? Sinisilip din ng pulisya kung may koneksiyon ang krimen sa pagpatay ng tandem sa project engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Magno Balisi sa Tuguegarao City District noong Hunyo 2017.
- Latest