^

Probinsiya

Mag-iina inutas

Audrey Morallo - Pilipino Star Ngayon
Mag-iina inutas

Joel, Angel May, Myir at Jelyn

Ex-pulis nag-suicide...

MANILA, Philippines - Pinatay ng 36-anyos na dating pulis ang kanyang misis at dalawang anak makaraang sumiklab ang matinding alitan ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Valladolid sa Carcar City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Matnao Liddawa, officer-in-charge ng Carcar City Police Station, ang mga biktima na sina Jelyn Lapina Lopez, 36; Angel May Lopez, 12; at si Myir Lopez, 8.

Samantala, kinilala naman ang dating pulis na si P01 Joel Belamide Lopez na sinasabing nagbaril sa sarili makaraang patayin ang kanyang mag-iina bandang alas-5:30 ng umaga.

Bahay ng pamilya Lopez sa Brgy. Valladolid. Kuha ni Ging Aledo Campaña ng Cebu Citizen Report sa facebook.

Nabatid na si Joel ay da­ting nakatalaga sa Lapu-Lapu City Police Station sa Mactan Island, Cebu.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Irving Abela na naisumite kay Liddawa, naganap ang pamamaril makaraang magkainitan sa pagtatalo ang mag-asawang Joel at Jelyn kaugnay sa sinasabing problemang pananalapi.

Gayunman, nagpakamatay naman si Joel makaraang pagbaril sa sarili.

Kaagad naman rumesponde ang lolo ng dalawang bata kung saan duguang nakabulagta ang mga biktima sa sahig ng bahay kabilang na si Joel na ginamit sa suicide ang M16 Armalite rifle.

Narekober sa crime scene ang 6 na basyo ng bala habang patuloy naman ang im­bestigasyon ng mga awtoridad.

Base sa tala, lumilitaw na natanggal bilang pulis si Joel noong 2013 dahil sa sinasabing hindi sumipot sa court hearing ng kasong illegal drugs na isinampa sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with