^

Probinsiya

Trabahador kisay sa kuryente

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  – Patay ang 29-anyos na trabahador ng pribadong kompanya makaraang makuryente at mahulog sa poste habang nagkakabit ng tarpaulin sa Barangay Cabangaran, bayan ng Paoay, Ilocos Norte noong Biyernes.? Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police ang biktima na si Elimar Menez, kawani sa pagawaan ng tarpaulin signage sa nasabing lugar. ?Nabatid na nagkakabit ng tarpaulin sign sa poste ang biktima nang mahawakan nito ang talop ng kable ng kuryente. Nahulog at nangisay ang biktima dahil sa matinding boltahe ng kuryente ang pumasok sa katawan nito. Isinugod ng mga sumaklolo si Menez sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City subalit idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with