Trike vs trak: 2 dedo
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang salpukin ng truck ang kanilang traysikel sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Buhatan sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Jose Abitan Fernandez, 60, trike driver; at Ceasar Azupardo Aberia, 40, pasahero, at mga residente sa bayan ng Casiguran, Sorsogon. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, patungong Sorsogon City proper ang mga biktima nang masagi ng truck (RCA512) ni Rex Reales matapos itong nag-overtake sa traysikel ng dalawa. Nawalan ng kontrol ang driver ng trike kaya sumalpok sa kasalubong na 16-wheeler truck (RNV-815) ni Warren Peñalba ng Brgy. San Isidro, Castilla. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang dalawang driver na sina Reales at Peñalba.
- Latest