^

Probinsiya

Bahay grinanada: 5 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bahay grinanada: 5 sugatan

Lima-katao kabilang tatlong rebeldeng New People’s Army ang napatay habang 16 naman ang nasugatan makaraang magkasagupa ang tropa ng militar at grupo ng mga rebelde sa Sitio Biwa, Barangay Bucana sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte noong Linggo ng madaling araw. AP/Aaron Favila, File

NORTH COTABATO  , Philippines – Lima-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang Granada na inihagis ng hindi kilalang lalaki  sa loob ng bahay sa Purok 2 Pag-asa, Barangay Gen. Luna sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Julius Malcontento ang mga biktima na sina David Orteza, 50; Joel Aragon, Henry Nobleza, 54; Darwin Ortiz,15; special child, mga nakatira sa Barangay Gen. Luna; at si Armando Aquino, 51, ng Barangay Aringay, bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ayon sa police report, kasama ni Chairman Renato Ortiz Jr. ang mga biktima na naghahapunan sa loob ng kubo sa tabi ng highway nang biglang may naghagis ng granada sa ilalim ng mesang kanilang kinakainan. Hindi naman nasugatan si Chairman Ortiz. Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with