^

Probinsiya

Misis, lover naaktuhan ni mister

Lemuel P. Maglinte - Pilipino Star Ngayon
Misis, lover naaktuhan ni mister

Pormal na kinasuhan ang misis na si Cherry Lyn Barrera Quiño habang pi­naghahanap naman ang kalaguyo nitong si Roselito Aguolar Sablan, 45, ng Barangay Muzon 1 sa nasabing bayan.  File

CAVITE , Philippines  - Rehas na bakal ang binagsakan ng 41-anyos na misis makaraang maaktuhan ng kanyang mister na nakikipag-sex sa kanyang lover sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Muzon 2 sa bayan ng Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang misis na si Cherry Lyn Barrera Quiño habang pi­naghahanap naman ang kalaguyo nitong si Roselito Aguolar Sablan, 45, ng Barangay Muzon 1 sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni  PO2 Christian A. David, bandang als-8: 30 ng gabi nang umuwi ang mister na si Simoen Andres Quiño mula sa tour of duty bilang barangay tanod.

Gayunman, nabulaga ang mister nang maaktuhan ang kanyang misis at lover na nagtatalik sa loob ng kanilang silid.

Hindi nakakilos at nakatulala ang mister kaya sinamantala ng lover ng misis na tumakas.

Nang mahimasmasan ang mister ay humingi ito ng tulong sa mga kasamahang tanod para masakote ang suspek na lover ng kanyang misis subalit hindi na inabutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with